-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dalawang malalakas na uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang na-difused ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 601st Brigade OIC Commander Colonel Joel Mamon na habang nagsagawa ng combat clearing operation ang tropa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army at MILF Task Force Itihad sa Sitio Dungguan at Sitio Damakayo Barangay Kalumanis Guindulungan Maguindanao nadiskubre nila ang dalawang bomba na gawa sa 60 at 81 mm mortar projectile.

Agad na dumating ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at di-nifused ang dalawang IED.

Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinuro ng mga otoridad na nag-iwan ng bomba at posibling target nito ang mga sundalong magpapatrolya.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya katuwang ang MILF ang seguridad sa Maguindanao.