-- Advertisements --

Magkakaroon ng dalawang conference ang PBA sa kanilang 46th season.

Ayon kay PBA Chairman Ricky Vargas na mayroong 10 buwan sa nasabing season kabilang ang anim na buwan Governor’s Cup kung saan maglalaro ang mga imports habang apat na buwan ay para sa All-Filipino.

Target ng PBA na simulan ang mga laro sa Abril 11.
Plano rin nilang magpatupad ng “semi bubble” set-up kung saan bawat koponan ay mahigpit na dapat sundin ang mga “home-venue-home” protocol.

Humiling na rin sila ng permiso sa gobyerno para gawin ang mga laro sa Metro Manila at sila ay nakikipag-negosasyon sa dalawa pang venue.

Magugunitang noong 2020 ay isang conference lamang ang ginawa ng PBA na ito ay All-Filipino Cup na nagkampeon dito ang Barangay Ginebra sa mga laro na ginanap sa Clark, Pampanga.