-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang NLEX 104-74 sa kanilang paghaharap sa PBA 50th Season Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na nagtala ng 25 points habang mayroong 20 si Stephen Holts.
Mula sa simula ay hindi na pinalamang ng Gins ang NLEX kung saan sa unang quarter pa lamang ay umarangkada sila 26-9.
Mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Ginebra habang ang NLEX ay mayroong apat na panalo at dalawang talo.
Nasayang ang nagawang 17 points ni Xyrus Torres habang mayroong 13 points si Jonnel Policarpio para sa NLEX.
















