-- Advertisements --
Naitala ng San Miguel Beermen ang ikatlong sunod na panalo sa PBA 50th Philippine Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang Converge 96-90 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Mayroon ng tatlong panalo at dalawang talo ang Beermen at pasok na sa Top 4.
Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 24 points, 16 rebounds habang mayroong 14 points si Juami Tiongson.
Binura ng Beermen ang double digit na kalamangan ng Converge at umarangkada sila sa last quarter ng laro.
















