-- Advertisements --
Binalaan ng mga kapulisan ang dalawang British-Iranian journalist na sila ay planong patayin ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran.
Dahil dito ay nagulat sila at labis na nangangamba sa kanilang buhay.
Itinuturing ng Metropolitan Police na lubhang nakakabahala ang nasabing banta sa mga mamamahayag.
Hindi naman pinangalanan ng Iran International ang dalawang mamamahayag para sa kanilang kaligtasan.
Ang IRGC ay isang bahagi ng Iranian Armed Force na itinaguyod ng Iranian Revolution noong 1979 sa utos ni Ayatollah Ruhollah Khomeini.
Itinuturing ng US ang IRGC bilang terrorist organization.