-- Advertisements --

Patay ang tatlong bata sa naganap na sunog sa isang residential area sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog pasado ala-una ng madaling araw ng Setyembre 8 sa Barangay Obrero.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nakilala ang mga biktima na sina Eris,pitong taong gulang, Ric, limang taong gulang at Hazel Raguindin na pawang mga magpipinsan.

Unang nakita ang bangkay nina Eris at Ric habang matapos ang ilang oras ay natagpuan ang bangkay ni Hazel sa loob ng kanilang nasunog na bahay.

Naapula lamang ang sunog matapos ang mahigit tatlong oras.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi o ang pinagmulan ng sunog sa lugar.

Aabot naman sa 27 kabahayan ang natupok dahil sa sunog.