-- Advertisements --

Napanati ng dalawang bagyo sa silangan ng Pilipinas ang lakas na taglay, bago pa ang inaasahang pagsasanib puwersa ng mga ito.

Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquerin sa panayam ng Bombo Radyo, bagama’t hindi naman ito pambihirang pangyayari sa kasaysayan, dapat pa rin itong paghandaan dahil sa posibleng epekto sa kalupaan.

Huling namataan ang tropical storm Maring sa layong 735 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ang bagyo ng pasilangan sa bilis na 20 kph.

Samantala ang tropical depression Nando naman ay namataan sa 905 km sa silangan ng Central Luzon.