Pinaghahanda ang mga residente ng Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa dalawang bagyong malapit sa ating bansa.
Ang unang bagyo ay ang dating low pressure area (LPA) LPA na tumawid sa Luzon kamakailan, ngunit lumakas makaraang makarating na sa West Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 1,035 km sa kanluran ng Northern Luzon.
May lakas itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Papalayo naman ito ng ating bansa at inaasahang tatama sa Vietnam.
Kasabay nito, umiiral din ang tropical depression Dindo na nasa 805 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Nilinaw naman ni Pagasa forecaster Samuel Duran na hindi direktang epekto ng bagyo ang nararanasan, kundi ang nahahatak na habagat ng dalawang sama ng panahon.
















