-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagsilikas ang mga sibilyan nang magka-engkwentro ang dalawang armadong pamilya sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng 602nd Brigade na nagkasagupa ang grupo nila Tugias Mamalanta laban kay Maula Tingon sa Sitio Saranay Brgy Takepan Pikit North Cotabato.

Agad na nagresponde ang tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Niel Roldan kasama ang Pikit PNP.

Sumuko ang grupo ni Mamalanta sa mga otoridad samantala ang grupo ni Maula Tingon ay nakatakas.

Ang dalawang grupo ay mga miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngunit may personal na alitan o rido sa lupa na kanilang sinasaka.

Sa ngayon ay sinampahan na ng kaso ang grupo ni Mamalanta habang patuloy na tinutugis ng mga pulis at sundalo ang grupo ni Maula Tingon.