-- Advertisements --

Binigyang-diin ngayon ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi dahilan ang nararanasang pandemya para tumigil sa pamumuhunan.

Sa harap ito ng mababang interest rate policy na inilabas ng BSP para sa mga nais mangutang at makapag-negosyo pa rin sa gitna ng nararanasang health crisis.

Sinabi ni Gov. Diokno, nasa 2.25 percent lamang ang policy interest rates na kanilang itinakda dahil nais nilang makabangon at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Ayon pa kay Gov. Diokno, papalo sa 2.3 percent ang inflation outlook nila para sa 2020 habang 2.6 percent naman sa susunod na taon.

Dalawa hanggang apat na porsyento naman ang projection ng BSP sa inflation rate para susunod na tatlong taon.