-- Advertisements --

WEST AFRICA – Sumasailalim pa sa ilang pagsusuri ang kauna-unahang kaso ng Marburg virus, na sinasabing may kaugnayan sa Ebola at inihahalintulad rin sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), naitala ang unang tinamaan nito sa West Africa.

Sinasabing nagmula ang virus sa paniki, bago nakahawa sa tao.

Ang naturang virus ay may fatality rate na hanggang 88 percent.

Ayon kay WHO Regional Director sa Africa na si Dr. Matshidiso Moeti, sinisikap na nilang maagapan ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng naturang lugar.