Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na sapat ang one-gigabyte data capacity na ibinibigay sa mga guro sa pampublikong paaralan araw-araw para sa kanilang access sa e-learning at applications ng kagawaran.
Sa ilalim ng SIM Card and Connectivity Load Program ng DepEd, ang mga guro ay binibigyan ng SIM cards na mayroong 34GB connectivity load kada buwan.
Iginiit ng DepEd na ang 1GB data na daily allocation ay sapat din para sa walong oras na video conferencing.
Nauna nang hinomok ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Kongreso na pondohan ang P1,500 na buwanang internet allowance ng mga guro.
Kasabay nito ay nanawagan si Castro para sa agarang pag-apruba sa House Bill 7034 o ang Internet Allowance for Public School Teachers Act.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, ang mga guro expired na ang DepEd 349 SIM cards ay hindi na makakatanggap ng 1GB daily data allowance.
Samantala, sinabi ng DepEd na nag-request na sila sa Commission on Audit at Department of Budget and Management noon pang nakaraang taon sa kung maari nilang maibigay ng cash na lamang ang internet allowance ng mga guro.