-- Advertisements --

Patay ang 19 na katao matapos ang naganap na malaking sunog sa isang residential apartment sa Bronx sa New York City.

Sinabi ni New York City Mayor Eric Adams na siyam sa mga biktima ay pawang mga bata.

Dinala naman sa pagamutan ang 63 iba matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Nagtulong-tulong ang 200 miyembro ng New York City Fire Department para maapula ang 19-story apartment.

Sinasabing nagmula ang sunog sa duplex apartment ng ikalawa at ikatlong palapag.

Itinaas sa ikalimang-alarma ang naganap na sunog.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing malaking sunog.