-- Advertisements --
Nasa 19 katao ang nasawi matapos na maaksidente ang sinakyan nilang bus sa Bangladesh.
Base sa imbesitasgayon ng mga kapulisan, nawalan ng kontrol ang driver ng bus kaya tumama ito sa fence at nahulog ang bus sa gilid ng kalsada na may lalim na 30 talampakan.
Itinakbo naman sa pagamutan ang 25 iba pang mga pasahero at sila ay patuloy na nilalapatan ng lunas.
Inaasahan ng mga otoridad na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga masasawing biktima dahil nasa kritikal na kondisyon ang ilang mga biktima.