-- Advertisements --
image 550

Nakapagtala ang mga awtoridad ng 19 na nasawi at 19 na katao ang nasugatan sa kasagsagan ng Barangay at SK elections.

Kinumpirma ito ni Commission on Elections spokesperson John Rex Laudiangco.

Ayon sa poll body official, nasa 29 insidente ng karahasan may kinalaman sa lokal na halalan ang na-validate na nagresulta sa kamatayan at injuries ng mga biktima sa panahon ng halalan mula sa Agosto 29 hanggang Oktubre 30.

Karamihan sa mga insidenteng naitala ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Bicol.

Sinabi din ni Laudiangco na kanilang iimbestigahan ang 113 pang mga insidente may kinalaman sa halalan.