-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagnegatibo sa swab test ang 19 na first contact o nakahalubilo ng COVID 19 positive patient na mula sa barangay San Fabian, Echague, Isabela..

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Kiko Dy na sa 27 first contact ng COVID 19 positive na mula sa barangay San Fabian ay 25 ang mula sa kanilang bayan.

Sinabi pa ni Mayor Dy na sa 19 na first contact ng COVID 19 patient na kinunan ng swab test ay nag-negative ang mga ito .

Sa kabila na ang mga ito ay nag-negatibo ay isasailalim pa rin sila ng isa pang swab test upang matiyak na hindi sila carrier ng virus.

Ayon pa sa punong-bayan ang natitira pang limang first contact ay nakatakdang isailalim sa swab test.

-- Advertisement --