-- Advertisements --

Magsasampa ngayon ng patung-patong na reklamo ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga miyembro ng isang armadong grupo na nakasagupa nila nitong weekend.

Matatandaang pinaputukan ng mga suspek ang mga tauhan ng PNP, kaya humantong ang sitwasyon sa engkwentro.

Napatay pa rito ang dalawang armadong kalalakihan habang naaresto naman ang 19 na iba pa.

Sa kabuuang, aabot umano sa 50 ang mga nagtitipon sa Antipolo City nang mamataan ito ng mga barangay tanod na siyang nagsumbong sa PNP.

Kabilang sa mga kasong ihahain ay attempted murder, illegal possesion of firearms at usurpation of real property, dahil sa pag-kubkub sa isang lugar sa nasabing syudad.

Sa ngayon, 19 ang hawak ng PNP, habang ang iba ay nakatakas sa kasagsagan ng operasyon.

Inaalam na ng mga otoridad kung ano pang mga aktibidad ang kinasasangkutan ng mga armadong suspek.