hungary boat

Tinatayang nasa pitong South Koreans ang namatay matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka nang bumangga ito sa isa pang bangka sa Budapest, Hungary.

Ayon sa South Korean Ministry Foreign Affairs Ministry, 7 sa 33 koreano ang kanilang nailigtas ngunit patuloy pa rin ang isinasagawa nilang search and rescue operations sa 19 pang nawawala.

May sukat na 27-meter o 89 foot ang double-decker river cruise boat na ito na kayang magsakay ng 60 katao. May kargada rin ito na 150-horsepower engine.

Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng Hungarian National Ambulance service na 7 katao na ang namatay sa nasabing insidente.

Dagdag pa nito, wala umanong senyales ng problema ang nasbing bangka at sinisigurado raw ng Panorama Deck na nasa maayos na kalagayan ang kanilang bangka bago payagang lumayag sa karagatan.

Sa ngayon ay hindi pa raw sila makakapagbigay ng impormasyon sa tunay na dahilan ng pagtaob ng bangka.