Nasa 186 indibidwal ang naaresto ilang oras naging epektibo ang pagpapatupad ng Liquor Ban na nagsimula 12:01 ng madaling araw kanina hanggang alas-6:00 ng umaga May 12, bisperas ng halalan.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO)Director MGen. Guillermo Eleazar, nasa 67 operations ang inilunsad ng NCRPO sa ibat-bang siyudad sa kalakhang Maynila bahagi ng pagpapatupad ng Liquor ban.
Sinabi ni Eleazar, ang may pinakamaraming lumabag sa Liquor ban ay naitala sa Quezon City kung saan nasa 106 ang nahuli.
Sa area ng Manila Police District (MPD)nasa 25, Southern Police District (SPD) nasa 23, Northern Police District (NPD) 25 at Eastern Police District (EPD)7.
Personal namang inikot ni Eleazar ang ibat ibang business establishments na nagbebenta ng mga inumin at pina-aalalahanan ang mga ito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak.
Home Nation
186 arestado ilang oras nagsimula ang Liqour Ban-NCRPO
-- Advertisements --