-- Advertisements --

Patay ang 18 katao habang 243 ang nasugatan sa nangyaring kaguluhan sa pagitan ng mga kapulisan ang mga protesters sa probinsiya ng Karakalpakstan ng Uzbekistan.

Umabot na rin sa 516 protesters ang ikinulong ng mga otoridad.

Kinokontra kasi ng mga protesters ang pagpapalit ng konstitusyon kung saan hindi na nila kikilalanin ang mga probinsiya na nasa border ng Kazakhstan at Aral Sea.

Nakipag-ugnayan na rin si Uzbek President Shavkat Mirziyoyev kay European Union Council President Charles Michel matapos na kondinahin ng maraming bansa ang nagaganap na kaguluhan sa nabanggit na bansa.