-- Advertisements --

pasigfixer2

Arestado ang 18 indibidwal na hindi mga residente ng Barangay Kalawaan sa Pasig City habang kumukubra ng ECQ Ayuda na ibinigay ng gobyerno para sa mga kababayan nating hirap sa buhay at naipit dahil sa pagtaas ng quarantine status.

Ayon kay Pasig City Police Office Chief Col. Roman Arugay, bandang alas-3:30 kahapon August 19,2021 ng mahuli ang mga supeks sa Brgy. Kalawaan Covered Court.

Inireklamo ng isang Reche Tugawin, 37 years old, Government Employee nanakatalagasa Office of the Pasig City Mayor ang mga suspeks na hindi naman mga residente ng nasabing barangay.

Dahil dito agad nagtungo ang mga operatiba ng Pasig Police Sub Station 4 sa pangunguna ni PLT JULIO VALLE Jr., at walong mga Police non-commissioned officers na nagsagawa ng surveillance operation.

Dito nakumpirma ng mga pulis na nakatanggap ng Php 4,000.00 cash ayuda at food packs at Php 3,000.00 bawat isa ang kanilang niremit at tinanggap ng isang Ma. Teresa Lignes na naghihintay sa labas ng distribution area.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang nasa Php 31,000.00.

Arestado sa ikinasang follow-up operation sina Ada Garde at Ana Lyn Balasabas na siyang nag facilitate sa pamamahagi ng ECQ financial assistance form at nagsagawa ng validation sa mga bogus beneficiaries.

Siniguro naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto na sasampahan ng kaukulang kaso sa Pasig City Prosecutor’s Office ang mga suspek.

Ang naarestong suspeks ay ang mga sumusunod:
1) Ada Garde y Saravillo, female, 38 years old, single, GAD/cash assistance evaluator and resident of No. 3697 Ramos Ville, Brgy. Rosario, Pasig City.
2) Ana Lyn Balasabas y Mones, female, 32 years old, single GAD/cash assistance evaluator and resident of No. 3725 Ramos Ville, Brgy. Rosario, Pasig City.
3) Raymart Javier y Gibaga, male, 21 years old, single, carwash assistant and resident of Ilang-Ilang St., Brgy. Barangka, Marikina City.
4) John Dale Barredo, male, 19 years old, single, jobless and resident of No. 66 Bonifacio St.,. Brgy. Barangka, Marikina City.
5) Rommel Obispo y Benedicto, male, 24 years old, single, Lazada delivery and resident of Block 1 Lot 44 Urban Bliss, Brgy. Barangka, Marikina City.
6) Ma. Teresa Lignes y Casiňo @Tricia Gonzales y Ramirez, female, 35 years old, single, coordinator and resident of No. 0033 F. Lucas St., Brgy. Santolan, Pasig City.
7) Jay Almer Lalosa y Lobina, male, 30 years old and resident of No. 862 Lacandazo Compound, Brgy. San Miguel, Pasig City.
8.) Rhajz Rodem Tolentino y Soriao, male, 22 years old, single and resident of No. 862 Lacandazo Compound, Brgy. San Miguel, Pasig City.
9) Jayve Amoranto y Mirandilla, male, 26 years old, single, food panda delivery and resident of No. 18 A. Leonardo St., Taytay, Rizal.
10) Joel Hernandez y Untalan, male, 37 years old, single, salesman and resident of B2 L17 Sta. Maria, Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal.
11) Anna Alizza Andres y Santos, female, 31 years old, single, sales agent and resident of No. 24 Orange St., Brgy. Maybunga, Pasig City.
12) Raffy Valdez y Amoranto, male, 29 years old, sales agent and resident of No. 18 A. Leonardo St., Taytay, Rizal.
13) Teodulo Sta. Ana y Ahida, male, 61 years old, married, unemployed and resident of No. 28 J. De Leon St., Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
14) Rusty Beltran y Dado, male, 21 years old, agent and resident of No. 862 Lacandazo, Lupang Pari, Brgy. San Miguel, Pasig City.15) Mary Jane Ortiguerra y Rimas, female, 38 years old, widower, sewer and resident of J. V. Concio St., Brgy. San Joaquin, Pasig City.
16) Amie Ordonia y Valdez, female, 40 years old, single, Dental Clinic Assistant and resident of No. 58 Amang Rodriguez Avenue, Brgy. Manggahan, Pasig City.
17) Edgardo Balawang y Gonzales Jr., male, 28 years old, painter and resident of Lot 17 UBB, Brgy. Barangka, Marikina City.
18) Derrick Quario y Jimenez, 43 years old, married, Construction Worker and resident of No. 83 Amang Rodriguez Avenue, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Nagbabala naman si Mayor Vico Sotto sa mga fixer ng ECQ ayuda na mananagot ang mga ito sa batas.

Iniulat naman ng Pasig LGU aabot na sa halos PHP40M ang naipamamahaging cash ayuda mula sa nasyonal na pamahalaan.

Tuluy-tuloy ang distribusyon ng ECQ ayuda sa mga expanded pockets of poverty hangga’t hindi pa nalilibutan ang lahat ng mga barangay sa Pasig.

Bukod sa pinansiyal na ayuda makakatanggap din ang mga residente ng grocery packs.

Paalala ng Pasig City govt, hindi lahat ang mabibigyan dahil hindi sapat ang pondo para sa lahat ng nakatira sa Pasig.