-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 174 ang bilang ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Base sa datos ng Department of Health, aabot na sa 13,834 ang bilang ng mga health workers na nagpositibo sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang naman ng mga gumaling na sa sakit ay pumalo na sa 13,480 matapos na 179 iba pa ang naka-recover mula rito, habang nananatili naman sa 76 ang death toll.

Sinabi ng DOH na 278 medical workers pa ang active cases at kasalukuyang nagpapagaling o nasa ilalim ng quarantine.

Pinakamarami sa mga health workers na tinamaan ng COVID-19 ay ang mga nurses na may 4,900 infections; na sinundan ng mga doktor na may 2,267; nursing assistants na may 1,036; medical technologists na may 696; at midwives na may 468 cases.

Mahigit 600 iba pang non-medical personnel, gaya na lamang ng mga utility workers, security guards, at administrative staff, ay kabilang rin sa naturang tally.

Kahapon, pumalo na sa 487,690 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.