-- Advertisements --
Pinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa 1,700 heinous crimes convicted criminals na napalaya matapos makinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa press conference ngayong gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na binibigyan niya ng 15 araw ang mga nasabing inmates na sumuko at magparehistro sa BuCor.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung mabigo silang lumutang sa loob ng 15 araw, ituturing na silang “fugitive of the law” o mga kriminal at maaari silang mapatay.
Kaya saan man daw sila, mas mabuting sumuko na sa mga pulis o militar kaysa mapatay.
Inaako daw nito ang buong responsibilidad at handang maimbestigahan sa magiging kahinatnan ng kanyang desisyon.
















