LA UNION – Dead on arrival sa Bacnotan District Hospital ang isang estudyante matapos itong magsuicide sa bayan ng San Juan, La Union.

Ang biktima ay 17-anyos na residente ng Barangay Nagirangan sa nabanggit na bayan.

Base sa report ng San Juan Police, nakita na lamang ng kapatid ng biktima na ito ay nakabitin sa silid nito sa pamamagitan ng nylon rope.

Nakita sa lugar ang isa umanong suicide letter ng biktima na nagsasabi ng pagmamahal sa kanyang pamilya, humihingi ng paumanhin at pagkapagod.

Ayon naman sa mga otoridad depresyon dahil sa pag-ibig umano ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Samantala, hiniling ng biktima umano sa suicide note na ihihimlay ang bangkay nito sa kanyang lola.