-- Advertisements --
Nasa 16 na katao ang nasawi matapos ang pagtama ng Russian missiles sa Kostiantynivka city ang silangan bahagi ng Ukraine.
Naganap ang insidente habang bumibisita sa Kyiv si US Secretary of State Antony Blinken.
Kabilang sa mga nasawi ay mga bata at marami ring ang nasugatan.
Mariing kinondina naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang nasabing atake kung saan natamaan ang palengke, botika at ilang mga bilihan.
Sinabi nito na mararapat na talagang matigil ang mga maling ginagawang tama ng Russia.