Umabot na sa kabuuang 16,038,442 or 61.2% na mga estudyante ang nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022 as of Friday ayon sa Department of Education (DepEd).
Base sa latest data ng kagawaran, nasa 10,794,716 students ang nagrehistro sa public schools; 671,660 sa private schools; at 14,739 sa state universities and colleges kasama na ang mga local universities and colleges.
Hindi naman bababa sa 4,557,327 students ang nakapag-sign up sa early registration para sa darating na pasukan.
Ang pinakamalaking bilang ng mga estudyante na naka-enroll ay mula sa Calabarzon na nakapagtala ng 2,481,554; sinundan ng Central Luzon na may 1, 591,509; at National Capital Region na may 1,577,155.
Para naman sa Alternative Learning System, ang DepEd ay nakapagtala ng kabuuang 130,418 or 21.76% kumpara sa nakaraang pasukan.
Napag-alaman na magsisimula ang pasukan sa Setyembre 13 nitong taon.
Noong nakaraang taon, ang DepEd ay nakapagtala ng total number of enrollees na 24.7 million.