-- Advertisements --
image 551

Tinatayang nasa 150 million US dollars ang inisyal na kita ng Pilipinas sa pagi-export nito ng durian patungong China ngayong 2023, na magsisimula sa Marso.
Sinabi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban na nakadepende rin ito sa magandang produksyon ng bansa, at sa compliance nito sa requirement na itatakda ng Chinese government.
Tinatayang nasa 50,000 metrikong tonelada ang inisyal na ie-expot ng Pilipinas sa China.
Karamihan aniya ng producers ay magmumula sa Davao region.
Nasa 59 na registered farms, limang lisensyadong packing facility, at limang lisyensyadong exporters na rin ang na-endorso ng pamahalaan sa China para dito.
Nabatid na ang kasunduan nina Pangulong ferdinand Marcos Jr. at Chinese Pres. Xi Jinping ay tinaguriang Durian deal, na nabuo nang bumisita ang punong ehekutibo sa China noong nakaraang buwan.