-- Advertisements --
Umaapela ng tulong ang ilang residente ng Brgy. Zapote, Las Piñas City, matapos masunog ang 150 kabahayan.
Naitala ito bago magtanghali, kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa kahoy ang karamihan sa mga bahay.
Ayon kay Las Piñas Fire Superintendent Arthur Sawate, umabot sa task force alpha ang laki ng sunog, kaya kinailangan nila ng dagdag na tulong mula sa ibang himpilan ng BFP.
Ikinatuwa naman ni Sawate na walang naitalang nasugatan, sa kabila ng malaking sunog.
Nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan nagsimula ang pagkalat ng apoy, at kung magkano ang kabuuang naging pinsala.