CAUAYAN CITY – Umabot na sa 15 na iba’t ibang klase ng vintage bomb ang nahukay ng mga miyembro kasapi ng Provincial Explosives Ordnance Division ng Isabela sa isang junkshop sa Nungnungan 2, Cauayan City.
Magpapatuloy ang paghuhukay ng mga otoridad hanggang marecover lahat ang 50 hanggang 60 na lumang bomba na ibinaon sa bakuran ng junkshop.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Oliver Salamero, provincial head ng Provincial Ordinance Division na inatasan silang bisitahin ang lahat mga junkshop sa Isabela.
Ipinagtapat sa kanila ng may-ari ng Harvey’s Junkshop na may mga ibinaon silang vintage bomb na napasama sa mga saku-sako ng mga bakal na kanilang nabili.
Ang mga naipon nilang vintage bomb ay sama-sama nilang ibinaon sa isang hukay na may lalim na limang metro.
Ayon kay PLt. Salamero, high risk explosives ang mga nahukay nilang vintage bombs kaya ididispose nila ito nang maayos para maiwasan ang panganib na dulot ng mga ito.