Nasa 15 katao ang nasawi matapos ang banggaan ng dalawang sasakyan sa Southern California malapit sa Mexican border.

Nangyarin ang insidente ng State Route 115 sa Imperial County, California kung saan bumangga ang isang SUV sa truck na may kargang buhangin.

Sinabi ni California Highway Patrol Border Division Chief Omar Watson na mayroong 25 na sakay ang Ford Expedition kung saan 13 dito ang nasawi.

Tumilapon pa ang mga sakay ng nasabing truck.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatan sa nasabing insidente.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

-- Advertisement --