-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Tourism (DoT) na nakapagtala sila ng 15 percent na pagtaas ng tourist arrivals kumpara sa nai-record ng ahensya noong 2018.

Ayon kay Tourism Asec. for Tourism Development Roberto Alabado III, nalikom ang data mula Enero hanggang Oktubre 2019.

Batay dito, pinakamarami sa mga bumisita ay South Koreans, kasunod ang Chinese tourists.

Isa sa nakikitang dahilan ng DoT sa malakas na tourist arrivals ang muling pag-operate ng kilalang destinasyon na Boracay, matapos na isailalim sa rehabilitasyon.

Nangako si Alabado na bubuo pa sila ng mga programa upang makahikayat ng mas marami pang bisita na magbibigay din ng malaking revenue sa bansa.

Maging ang domestic tourism ay nakitaan din umano ng pagsigla sa taong 2019.