-- Advertisements --

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si South Upi, Maguindanao del Norte Mayor Reynalbert Insular at ang kaniyang maybahay.

Ito ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest laban sa dalawa dahil sa patong-patong na kaso tulad ng murder, frustrated murder, at attempted murder na inilabas ng Cotabato City Regional Trial Court Branch 27.

Ayon kay CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, lumabas ang warrant noon pang May 19, 2025.

Ang mga ito ay nasangkot umano sa pagpatay noon kay dating South Upi Vice Mayor Roldan Benito at ang kaniyang aide na si Weng Marcos na tinambangan sa Barangay Pandan noong Agusto 2, 2024.

Isang special investigation task group ang binuo upang siyasatin ang naturang krimen.

Wala namang bail na nakalaan para sana sa pansamantalang kalayaan ng dalawa.