CAUAYAN CITY – Tumanggap ng libreng internet connection ang 15 lugar at barangay sa Ilagan City na bahagi ng free wifi for all program ng DICT isabela.
Sa pinagsanib na pwersa ng DICt at United Nation Development Program ay inilunsad ang naturang proyekto na layuning magbigay ng libreng internet sa mga paaralan, barangay hall at mga lblib na lugar sa Lalawigan.
Maaaring gamitin ng mga estudyante o mag aaral ang hanggang 300Mb data habang maari namang ma-access ang iba pang mga serbisyo ng pamahalaang sa pamamagitan ng free wifi for all.
Kaugnay nito ay ipinagkaloob ng DICT Isabela labing-apat na computer unit sa e-library ng Lunsod ng Ilagan na libreng magagamit ng mga estudyante sa kanilang online class bilang bahagi ng tech for development.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC city tourism Officer Maria Christina Simon sinabi niya na bagamat bukas ito sa publiko ay mahigpit na ipapatupad ang health protocol sa loob ng kanilang tanggapan.
Aniya upang matiyak ng DICT at UNDP na ligtas na magagamit ng mga mag-aaral ang naturang mga cumputer at wifi ay naglatag sila ng pamamaraan upang maharang ang mga hindi kaaya ayang websites tulad ng pornographic sites.