Hindi bababa sa 15 kabataan ang nasawi matapos masunog ang isang bahay ampunan sa Haiti.

Naganap ang insidente sa Kenscoff kung saan dalawang bata ang agad na nasawi habang 13 dito ang namatay na sa ospital habang sila ay ginagamot.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakasunog ng dalawang palapag na gusali.

Napag-alaman pa ng mga otoridad na walang permit ang ang nasabing gusali na mag-operate bilang orphanage mula pa noong 2013.