-- Advertisements --
Inianunsyo ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na nasa 143 barangay officials na ang kanilang nasampahan ng kaso kaugnay sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Sec. Año na nasa piskalya na ang mga kaso at napapasalamat sila kay Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagbibigay prayoridad sa kanilang inihaing kaso.
Ayon kay Sec. Año, nananawagan sila sa publiko na manatiling mapagmatyag lalo sa ikalawang tranche ng SAP at agad magsumbong sa complaint center ng DILG kung may makitang anomalya.
Muli ding nagbabala ang opisyal sa mga barangay officials na huwag lulustayin ang pera ng gobyerno para sa nasabing programa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.