Nasa 14 na local testing centers (LTCs) ang napili ng Supreme Court (SC) na pagdarausan ng 2022 Bar Examination.
Sa Bar Bulletin No. 7 Series of 2022 na pirmado ni Associate Justice at 2022 Bar Examinations Chairman Benjamin Caguioa, ang pagpili sa 14 na local testing sites ay kasabay na rin ng kanilang pagsisikap para sa regionalized at digitalized platform sa pagsasagawa ng Bar Examinations.
Matapos naman ang considerable assessment at evaluation, kinilala na ng Office of the 2022 Bar Examinations Chair ang mga testing sites:
Sa National Capital Region:
1. Northern Manila
2. Southern Manila
3. Pasay City
4. Quezon City
5. Taguig City
Luzon:
1. Baguio City, Benguet
2. Lipa City, Batangas
3. Naga City, Camarines Sur
Visayas:
1. Northern Cebu City
2. Southern Cebu City 3. Tacloban City, Leyte
Mindanao:
1. Cagayan de Oro City
2. Davao City
3. Zamboanga City
Binigyang diin naman ng Korte Suprema na ang kanilang selection at assignment sa venue ng bar examination ng mga bar hopefuls ay iprinoseso sa pamamagitan ng first come, first served basis.
Ang mga aplikante na nagsumite ng kanilang aplikasyon at nagbayad ng Bar fees ay maaa-assign sa mga mas naung batch.
Ang bawat batch naman daw ng unconditionally at conditionally approved bar candidates ay makatatanggap ng dalawang notifications sa kanilang Bar Personal Login Unified System (Bar PLUS)-registered email address:
Una rito ay ang email notification na nagbibigay ng direktiba sa mga bar examinees na ang kanilang applications para sa 2022 Bar Examinations ay naaprubahan na.
Pangalawa rito ay ang email notification na nag-i-inform sa mga magte-take ng bar sa kanilang venue selection module kung available sa kanilang Bar PLUS accounts.