ROXAS CITY – Patay ang 14-anyos na Grade 9 student matapos nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dulangan, Pilar, Capiz.

Natagpuan ng kanyang ina ang biktima na may tali ang leeg pagdating nito sa kanilang bahay.

Nabatid na bago ang insidente ay ibinahagi ng biktima sa kanyang kaibigan na naghiwalay sila ng karelasyon na tomboy.

Samantala may iniwan na death note ang dalagita, kung saan laman nito ang paghingi niya ng tawad sa kanyang pamilya at mga kaibigan

Umapela rin ito ng pang-unawa sa kanyang naging desisyon na magpakamatay at nag-request sa mga kaklase na dumalo sa kanyang libing.