Alex Bruce
Alex Bruce/ FB image

BACOLOD CITY – Patuloy ang paggawa ng pangalan sa international music industry ng 13 year old Filipina rapper na si Alex Bruce habang pilit din na winawaksi ang mga problemang pinagdadaanan sa batang edad dahil sa Covid-19.

Sa exclusive interview ng Star Fm Bacolod kay Alex Bruce, nakipag team up siya para “Go Crazy” na bagong kanta kasama si August Rigo, Filipino Canadian song writter na nasa likod din ng mga kanta ni Justine Bieber, One Direction, BTS at marami pa.

Inaabala umano niya ang sarili sa pagawa pa ng kanta, pag sayaw at iba pang art upang hindi niya maramdamang malungkot o mapuno ng negativities.

Napapahanga ang karamihang Filipino artist dahil sa ginagawa niyang kantang nag pagpapalakas loob sa pamamagitan ng rap.

Napa bilib din si Rico Blanco sa cover ng 13 year old rapper sa kanta niyang “This too shall pass”