Boluntaryong sumuko ang 13 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa militar sa probinsiya ng Sulu.

Sa report na nakuha ng Bombo Radyo mula sa western Mindanao sumuko sa militar ang mga bandidong grupo bitbit ang kanilang matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander BGen. Divino Rey Pabayo na sumuko ang mga bandidong Abu Sayyaf kay Lt. Col. Jessie Montoya, commanding officer ng 2nd Special Forces Battalion.

Tiniyak naman ni Pabayo na makakatanggap ng support packages ang mga dating bandido.

Sa ngayon, pinoproseso na ang mga sumukong bandido sa headquarters ng 2nd Special Forces.