Muling nakapagtala ng mahigit 12,000 mark ang Department of Health (DoH) para sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa ating bansa.
Ayon sa DoH, 12,439 ang nadagdag ngayon sa kanilang record at at 165 ang pumanaw.
Habang may 6,090 naman ang bagong gumaling, matapos ang gamutan at quarantine procedure.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (87,663) ang aktibong kaso, 93.1% (1,583,161) na ang gumaling at 1.74% (29,539) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational, habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na nai-test at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.