Kinain ng isang performance artist ang saging na dinikit sa pader gamit ng duct tape.

Ang nasabing ‘duct taped’ banana ay gawa ni Maurizio Cattelan na indinisplay sa Art Basel Miami Beach at nilagyan ng presyo ng $120,000.

Nagulat na lamang ang mga tao sa art museum sa Miami ng makita ang ginawa ni Datuna.
Sinabi nito na naging hinog lamang ang saging kaya nararapat na ito ay kainin na.

Si Cattelan ay nakilala rin sa paggawa ng 18-carat gold toilet na nagkakahalaga ng $6 million kung saan ito ay ninakaw mula sa art museum sa England.