-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Social Security System (SSS) ang 12 employer sa lungsod ng Mandaluyong dahil sa reklamong hindi pagbabayad ng SSS contribution ng kanilang empleyado.

Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng Run After Contribution Evaders (RACE) operations ng SSS.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na aabot sa P57 milyon na halaga ng kontribuyson ang hindi nabayaran kabilang na dito ang penalty.

Dagdag pa nito na binigyan nila ng hanggang 15 araw ang mga ito para magpaliwanag at kapag napatunayan ang kanilang pagkasala ay pagmumultahin ang mga ito ng mula P2,000 hanggagn P20,000 at makulong ng hanggang 12 taon.