LAOAG CITY – Sumailalim ang 12 empleyado ng lokal na gobyerno sa lungsod ng Laoag sa Disciplinary and Separation Board dahil nahaharap ang mga ito sa kasong administratibo.

Ayon kay Sangguniang Panlungsod Member Arbee Ablan, chairman ng Committee on Labor Relations and Civil Service, ang mga empleyado ay naka-assign sa Laoag City General Hospital at Laoag City Public Market and Commercial Complex.

Sinabi nito na inumpisahan na ang pagdinig sa kaso ng mga empleyado na nahaharap sa kasong administratibo.

Isinampa ang kaso laban sa mga kawani sa nakalipas na administrasyon ngunit hindi ito naipursige.

Ilan umano sa mga ito ay natutulog sa oras ng trabaho at ang iba ay nagnakaw daw sa kanilang departamento.

-- Advertisement --