CAUAYAN CITY- Umabot na sa 12 confirmed COVID 19 positive patient at pitong suspect case ang ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center ang pitung COVID 19 positive ay mula sa Cagayan kung saan dalawa ang mula sa bayan ng Peñablanca, tig-iisa sa mga bayan ng Calayan, Iguig, at Rizal habang dalawa sa Tuguegarao City.
Lima naman ang galing sa Isabela kung saan tatlong COVID positive patient ang mula sa bayan ng Tumauini at tig-iisa sa Lunsod ng Ilagan at Naguilian.
Ang pinakahuling nagpositibo sa swab test ay isang 53 anyos na lalaki na residente ng Gamu, Isabela na referral ng isang pribadong pagamutan sa Naguillian, Isabela
Sinabi pa ni Dr. Baggao na ang pitung suspect case ay dalawa ang mula sa lalawigan ng Cagayan pangunahin na sa mga bayan ng Peñablanca at Calayan ; isa ang mula sa Pasil, Kalinga at apat mula sa Isabela kung saan dalawa ang mula sa Tumauini at tig-iisa mula sa mga bayan ng Gamu at Quirino.
Ayon pa kay Dr.. Baggao, mild condition ang mga pasyente at nananatiling asymptomatic ang l2 confirmed cases at 7 suspect case.
Karamihan anya sa mga pasyente ay mga locally stranded individuals at returning overseas Filipino workers.