Naka-detect ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 116 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, mayroon nang kabuuang 331 Delta variant cases sa Pilipinas.
Maliban dito, mayroon ding 113 na bagong kaso ng Alpha, 122 naman ang bagong kaso ng Beta variant habang 10 ang bagong kaso ng P.3 o ang Philippine variant.
Sa bilang na 116 na mga bagong kaso ng Delta variant cases, 95 ang local cases, isa ang returning overseas Filipino (ROF) at ang 20 ay inaalam pa kung saan nagmula.
Nasa 83 cases dito ay may address sa National Capital Region (NCR), habang ang 3 ay mula sa Calabarzon, 4 sa Central Visayas, 2 sa Davao Region, 1 sa Zamboanga Peninsula, 1 sa Cagayan Valley, at 1 sa Ilocos Region.
Ayon sa DOH, ang lahat ng 116 na bagong Delta variant cases ay pawang gumaling na.
Ngayong araw din, nakapag-record ang DoH ng 8,127 na mga bagong kaso ng COVID-19, bagay na mas mataas kumpara nitong mga nakaraang araw.