Aabot sa 14 katao ang sugatan sa naganap na pagsabog sa Egypt.

Target ng pagsabog ang tourist bus na lulan ng 25 South African citizens.

Naganap ito malapit sa Giza pyramids sa labas ng bubuksan pa lamang ang Grand Egyptian Museum.

Mabilis namang itinakbo sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Hindi ito ang unang pangyayari sa lugar dahil noong Disyembre ay 11 ang sugatan sa roadside bomb na tinarget ang tourist bus sa Giza region.