-- Advertisements --
Nasa 11 katao ang nasugatan matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Fort Worth, Texas.
Ayon sa Fort Worth Fire Department , naganap ang insidente sa Sandman Signature Fort Worth Downtown Hotel.
Nagdulot ng makapal na usok ang nasabing pagsabog kung saan agad na kinordonan ng mga otoridad ang nasabing lugar.
Itinakbo naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagsabog.