-- Advertisements --
Patay ang 11 katao matapos ang naganap na gas leak sa India.
Naganap ang insidente sa Giaspura isang industrial area sa Ludhiana ng Punjab.
Bukod sa mga nasawi ay mayroong apat na katao pa ang dinala sa pagamutan.
Inaalam ng mga otoridad kung anong uring gas at paano ito tumagas.
Magugunitang noong Agosto ay 112 kababaihan ang dinala sa pagamutan dahil sa gas leak mula sa manufacturing plant sa Andhra Pradesh.