-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakubkob ng militar ang kuta ng mga terorista sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major General Juvymax Uy, nagsagawa ng focused militay combat operation ang mga tauhan ng 40th Infantry (Magiting) Battalion Philippine Army sa kuta ni Kumander MAC-4 ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Bulod, General Salipada K. Pindatun, Maguindanao.

Sinabi ni 40th IB commander Lt. Col. Rogelio Gabi, natunugan sila ng grupo ni Kumander Mac-4 kaya mabilis itong tumakas patungong Liguasan Delta.

Narekober sa kuta ng mga terorista ang isang rocket propelled grenade (RP), isang barret, M79 grenade launcher, isang M14, dalawang M16, apat na 7.62mm AR16, isang sub machine-gun 9MM M10 at mga war materials.

Una nang nakatakas si Lakim Esmael alyas Kumander Mac-4 sa operasyon ng militar sa Sitio Balayman, Barangay Langgapanen, Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Tiniyak naman ni Gen. Uy na magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa mga local terrorist group (LTG) sa Maguindanao.