Bagama’t mahigit isang dekada na ang nakakaraan, hindi pa rin nalilimutan ng mga fans ni Michael Jackson na gunitain ang pagpanaw nito.
Sa iba’t ibang social media, kanya-kanyang tribute pa rin para sa King of Pop na pumanaw sa edad na 50 noong June 25, 2009, matapos ma-overdose sa anesthetic propofol na iniinom nito bilang sleeping aid.
Maging ang only daughter ni Jackson na si Paris ay inalala ang ama na kanya pa rin daw araw-araw na namimis.
Sa mga oras na ito sa Pilipinas ay June 25 pa lamang ng gabi sa California.
Taong 2011 nang ma-convict sa kasong involuntary manslaughter ang doktor ni MJ na si Conrad Murray.
Sa mga nakalipas na taon noong wala pang coronavirus pandemic, nakagawian ang pagtitipon-tipon ng daan-libong mga fans sa puntod ng “Beat It” hit maker sa private mausoleum nito sa Forest Lawn Cemetery.